Ano nga ba ang
TIBIGENEWS
Ito ay ang opisyal na mobile application ng Sangguniang Kabataan ng Tibig sa ilalim ng Ordinansang Pambarangay 010-2026 sa pamamahala ng Sangguniang Barangay ng Tibig 2023-2026.
Layon ng mobile application na ito na ipakita ang lahat ng kaganapan, proyekto, at anunsyo ng Sangguniang Kabataan maging ang pag-aaloka at paggamit ng pondo sa kada proyekto at listahan ng mga kwalipikadong miyembro ng Katipunan ng Kabataan sa Barangay Tibig.
Para sa mas progresibo at transparent na pamamahala!
BISYON 👁️
Isang makabago, inklusibo, at transparent na pamamahala ng kabataan sa Barangay Tibig
kung saan ang bawat miyembro ng Katipunan ng Kabataan ay may sapat na kaalaman, aktibong pakikilahok,
at tiwala sa mga programa, proyekto, at paggamit ng pondo ng Sangguniang Kabataan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
MISYON 🎯
Ihatid sa kabataan ng Barangay Tibig ang napapanahon, malinaw, at tumatanggap na impormasyon hinggil sa mga kaganapan,
proyekto, anunsyo, at paglalaan at paggamit ng pondo ng Sangguniang Kabataan sa pamamagitan ng isang
opisyal na mobile application na nagsusulong ng pananagutan, partisipasyon,
at mabuting pamamahala, bilang katuwang ng Sangguniang Barangay sa pagtataguyod ng progresibo at transparent na pamahalaan.
PROBISYON NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS
Ang opisyal na mobile application ng Sangguniang Kabataan ng Tibig ay nakaangkla sa
Sustainable Development Goals (SDGs) at naglalayong isulong ang transparency,
pananagutan, at partisipasyon ng kabataan sa pamamagitan ng bukas na akses sa impormasyon at makabagong teknolohiya.